Nyan Nyan~♥

Nyan2x Blog

558247qo8ybe3u5n.gif
"We can never go back and change what has been done
but we can earn the lesson learned to make things better next time.

A stupid past will always be remembered but can never be changed...
but a mistake can always be corrected and should never be repeated :)"

Friday, January 9, 2015

Year 2015?! Status of my career

Hello again!!!
ilang taon na ang nagdaan since the last time I posted here!
hahaha how nostalgic !
ngayon ko na lang ulit na-visit itong blog page ko :))

Anyway, kamusta naman na ako ngayon?
hmmm let me tell you what is my status right now.
(ooops!! not just the "status" of what's on your mind right now)
pero for this post, status muna about my work :)
Hmmmm I graduated already, batch 2014, and then after a few weeks
I started looking for a job, hmmmm honestly I still do not know what
I want to do, what job I want to take around that time
I submitted resumes kung saan-saan,
mapa-Hotel Industry, Food and Beverage or Restaurant Industy
and of course Airline industry
siguro masyado akong naging impulsive during that time
kasi all what is on my mind eh "magkaroon ng trabaho"
I do really have this attitude na,
ayaw ko yung nahuhuli ako,
siyempre pagka-graduate usually some of the graduate students
will look for a job agad-agad, and I was the same,
parang "ako din dapat!".

So ayun nga
I applied and then some company where I applied contacted me for an interview
syempre ako attend-attend ng mga interviews and then ayun,
hanggang sa naging tuwid na lang yung patutunguhan nung paghahanap ko
ng trabaho, then I was hired at the Airline industry,
I took the trainings, from classroom discussions, seminars,
observing ,then using their system
and now I am Cathay Pacific's  full-fledged ground agent.

Mahirap ang trabahong ito,
yes, diba nga wala namang trabahong madali,
lahat ng trabaho may iba't-ibang uri ng "hirap"
pero nasa tao kung paano niya ihahandle yun
I do really enjoyed this work,
kasi andoon parin yung customer-service na sa tingin ko e
"forte" ko :p
well hindi po ako expert when it comes to customer-service
kasi may mga pasahero parin na hindi satisfied sa service ko
and that's the truth, may mga tao kasi na iba-iba kung pano ang pagtanggap nila
ng service mo, may iba na naaapreciate iyon,
may iba na nagiging demanding na para sa kanila
e hindi enough ang service mo, at may iba din naman na
para sa kanila e sobra-sobra ang binibigay mong service
and yung makikita mong reaction nila is very priceless.
Ako din, alam ko sa sarili ko na may mga pasahero ako na
nata-timingan na sakto ang service ko, may iba na napapasobra ko
at may iba na kulang.
Airline Industry is a very dynamic field.
kailangan mong maging elastic and ... (teka hindi elastic na parang si luffy
sa One Piece o Lastikman na superhero ha?)..
"Elastic" and "easy-to-adapt" individual
kasi kung hindi, talo ka at talagang hindi mo kakayanin ang trabahong ito.

Though mahirap itong trabahong pinasok ko
na kung saan may iba akong ka-work na sumusuko na at nagreresign na
pinili ko parin na mag-stay, hmm opo, kailangan ko ng pera
para mag-ipon, para makatulong sa pamilya,
at para mag-ipon para sa future ko ? haha
at siyempre yung mga luho ko.
siyempre iba parin yung ikaw ang bibili ng kung ano gusto mo
gamit ang perang pinaghirapan mo.
Hmmm... I've been thinking about this, since I started working
paano kung umalis na ako sa Airline Industry., ano naman ang
gusto kong maging trabaho?
at hanggang ngayon hindi ko parin po alam ang sagot
ano nga ba ang gusto ko naman gawin pagkatapos
sa Airline Industry...
WALA TALAGA AKONG MAISIP!
(Wui! set aside mo muna yung planong pagpapamilya!)
There's still a long way to go.
Mag-iipun muna dapat, para sa bahay,
ipon sa mga expenses, etc..
(ok, ok .. set aside muna yan)

Ayun na nga, pero hindi pa po sumasagi sa isip ko ang
pagreresign sa trabaho ko, hehe..
isa pa sayang naman ang experience diba
and I am very thankful sa lahat ng mga katrabaho ko
siyempre nung bago ako, hindi maiiwasan na
may mga makakatrabaho ka talaga na hindi madaling makasalamuha,
may iba na sa unang tingin e masasabi mong hindi mo magiging
ka-close pero ngayon, daig pa ang saging na kambal sa close.
may iba din naman na nakilala mong mahiyain, tapos kapag nagtagal na e
walang hiya pala,
may iba na nakilala mo sa una na ganito-ganoon ang ugali, kapag nagtagal e
ganito-ganoon parin ang ugali.
Ang dami!
pero mas sobrang thankful ako sa mga katrabaho ko na ka-shift ko
para sakin, pangalawang pamilya ko 
sila.
Halu-halo yan sila, kasama na yung mga uri ng tao na nabanggit ko kanina,
may mga tao ako na ayaw ko pero mahal ko parin sila kasi
kasama sila sa part ng buhay ko
yung mga supervisor at senior na kasusungit sa trabaho
pero outside of work, tropa mo.
Isa sila sa nagiging strength ko at dahilan ko para magstay,

As of now, heto lang po muna ang ip-post ko,
ang haba ano?
(-.-) sorry na.
basta I am so HAPPY right now!
so thankful to God for everything!

Heto na si 2015! :)


Thursday, August 9, 2012

HELLO ♥ AGAiN!

Hello
Tagal ko nang hindi nakapag-post dito sa BLOG KO!!!
na'miss kitaaa !!
anyway, habang tumatagal lalo akong nagiging busy !! x.x
sa school.. pati sa work!,
ah, bago na nga pala work ko, nung natapos ko ang contract sa Jollibee,
after 6 months nag-apply ulit. sa MCDO!
hmm.. service crew ako doon :)
masaya naman hehe.. iba't ibang customer nakikita ko
yung iba naman sa kanila regular.

3rd year college na ako ngayon, bilis no??
parang nung mga previous post ko dito, nagkwento lng ako about sa tour
namin sa Ilocos nung 1st year, ngayon 3rd year na ako
next tour namin sa Davao hehe..
hindi ako nakapag-post nung 2nd year, di ako sumama sa Cebu ee
at ang busy tlga. Actually mas busy pa ngayung 3rd year ee
kaya ako nakakapag-computer ngayon kasi walang pasok
dahil sa kagagawan ng hanging habagat x_X
grabeeee siyaa !!!! ang daming lugar ngayon na hindi pa nakaka'recover
dami paring baha!!
mula pa noong tuesday ako walang pasok :-/
haaaysss...
Nyannyan's blog

iyan muna i-post ko ! :p

Photobucket

Monday, October 24, 2011

Life is God's novel. Let Him write it :)

After I work at Jollibee, the person that I've known
ever since I started working there become my man.
after a month, we've encountered a test from God..
(well everything that happens in our life is a TEST from God)

Ngayon, enrolled na ako sa school, at and swerte ko.. bakit?
because God still gave me a chance to get what I wanted.
I got the section and schedule that I want. Close na ang section
pero hindi ko akalain na may isa pang slot para sakin.

Gustung-gusto ko mag-aral, gusto ko makatapos..
may pangarap ako, at gusto ko maabot yun!
sa option na binigay sakin ni mama, pinili ko ang isang napakamabigat
na desisyon sa buhay ko.
ang hindi makapag-aral? o makapag-aral pero sa isang kondisyon...
hihiwalayan ko ang boyfriend ko.
syempre sa gusto makapag-aral at makapag-tapos
pinili ko ung option number 2.
mabigat man ang consequence pero kailangan tanggapin
at alam kong hindi ako nagkamali sa pinili ko.
dahil para sakin din ito, para sa mama at papa ko, kamag-anak ko
at sa magiging asawa ko balang-araw.

Mahal na mahal talaga ako ng mga magulang ko at ng buong kamag-anak.
dahil lahat gagawin nila mailayo lang ako sa tukso
at maiwasan na mapariwara ako.
One night, pinapagalitan ako ni mama dahil sumusobra na daw ako,
madami siyang sinabi sakin na tlgang nagpasama ng loob ko
oo nagtanim ako ng sama ng loob sa kanila nung gabing yun, pero kinabukasan...
nawala lahat yun at may na-realize ako..
nakaka-touch ... kasi lahat ng mga nasa paligid ko may concern sa akin
mas na-touch ako lalo nung in-explain pa sa akin ni bf...
yung mga reasons bakit sila nagagalit sakin.
at lahat ng sinabi niya ay tumugma sa mga sinabi sakin ni mama..
"mahal ka namin, ayaw ka namin maligaw ng landas
kaya lahat ng paraan ginagawa namin maiwas ka lang sa
masama.."
"walang magulang ang gustong nakikita ang anak nila na nasasaktan/nahihirapan"
..................
sa sobrang dami nilang sinabi sakin
halos hindi ko na maalala..
hindi ko na alam panu ko sasabihin at hindi ko alam saan magsisimula
pero nakatatak na sa isip at puso ko lahat yun, lahat ng pangaral
sakin ni mama mula pa noong bata ako hanggang ngaun
madadala ko hanggang sa pag-laki ko.

Sa effort sakin ni papa na sunduin ako gabi-gabi noon sa trabaho
khit may pasok siya kinaumagahan, sinusundo niya parin ako
kahit mapuyat siya... na dapat sa mga oras na paghihintay niya sakin
itinutulog na niya yun., pero sinusundo parin niya ako..
dumating ung time na naging masama ako at inabuso ko
si papa... pinaghintay ko siya ng matagal doon sa spot
kung saan niya ako lagi sinusundo.. pero ako... nagsasaya kasama mga
barkada, habang si papa hinihintay ako, tapos nung pauwi na
nagkasalisihan pa kami....
ang sama ko nuh ??
after nun, nahiya ako na iharap ang sarili sa kanya.. bakit ko nagawa sa sarili kong ama yun?
mahal na mahal ako ni papa at lahat ginagawa niya para sa akin..
kpag may hinihiling ako sa knya binibigay niya agad at ginagawan ng paraan.
ngayon lagi ako nagl-lie, pinag-aalala ko lagi si papa,
at sinisira ang mga pangakong "maaga ako uuwi.."
kapag aalis ako ng bahay.
sabi sakin ni mama nung gabing sinermonan nya ako.
iniisip ako lagi ni papa, na halos pati sa panaginip niya
lumalabas ako.
Sabi ni mama, baka sa sobrang pag-aalala ni papa
baka ma-altapression siya dahil sakin..
may highblood kasi si papa :(

Si mama.. lahat na ng paraan ginawa niya maigapang lang kami..
kinain ang pride niya at handang iharap ang mukha sa maraming tao..
sa business namin naglalako siya para lang kumita,
at yung kinikita ni mama para sa amin, sa kakainin namin,
sa mga bayarin at iba pa.
Nagpapasalamat ako kay God na siya ang binigay niya sa akin.
kesa sa magpakasasa sa pag-bibingo, pagtotong-its at kung anu-ano pang
sugal na libangan diyan sa tabi-tabi na karamihan ay gawain ng ibang
mga magulang... sa halip, mas inatupag niyang maghanap-buhay para samin.

Nagpapasalamat talaga ako kay God kasi
binigyan niya ako ng isang pamilya na masaya..
hindi man kami mayaman sa pera,
pero mayaman sa pagmamahalan :)
Though hindi ko nakikita, pero nararamdaman ko..

Diba nga?
LOVE is abstract.
can't be seen..
but can be FELT.

hmm ... pwede narin makita.
pero base dun sa kinikilos o ginagawa ng tao..
lalu na kung yung gnagawa niya eh para sa kapakanan mo :D
-------------------------------------------------------------------------------
God allows us to experience the low points of life in order to teach us lessons,
we could not learn in any other way.
That way we learn those lessons is not to deny the feelings
but to find the meanings underlying them.




Nyan2x Blog

Sunday, May 29, 2011

SUMMER VACATION 2011

POSTED
May 29, 2011
11:17 pm

La la la...
My summer vacation ??
hmm ... hindi ko masasabing "vacation"
kasi lagi akong pagod, at laging wala sa bahay.
HAHAHA..
Bakit? kasi may work ako :p

Anyway. It's been a long time since the last time I posted
here in my blog. "I miss you my BLOG" *chuu~*

Okay. So anu nga ba ginawa ko nitong "bakasyon" ?

nung 2nd sem. Final examination na namin, as far as I can remember
That was March 16. na nag'start na ako mag'hanap ng work.
nagpasa na ako sa mga malalapit na food establishment malapit
dito samin.,
Then the next day, sinubukan ko naman sa SM Bacoor.
unang pinasahan ko agad is yung Jollibee sa third floor.
Pagka-pasa ko ng resume ko, umalis na agad ako, akala ko kasi
"ittxt na lang po kayo"
gulat ako nung hinabol ako at pinapatawag
daw ako ng manager. (si Sir Ramil) in'interview na ako.
Ayun, wait ko nlng daw text nila kung kelan ako mag-start ng PHA.

May 19, pumunta ako ng MOA.
ala payment lang ng T-shirt namin (Audition Babies)
uniform namin para sa DOMINATION.

May 25, nanood ako sa Play sa La Salle, Dasmariñas,
isa doon yung Play na directed ng Cousin ko. "April".
kasama ko si Ivan at Nigel.
This day din nag'text yung Mcdo at yung Jollibee :))
pinapapunta nila ako sa monday (march 25)
whew. hindi ko alam kung anu pipiliin ko sa dalawa,

March 25, nag'start na yung PHA ko sa Jollibee.
nakilala ko na sila Ien, Shai, Jhing, Alyssa, Ghing.

April 2, DOMINATION V....
hmm .. na'enjoy ko DOMINATION, sobra hahaha..
click the Link.

(DOMINATION V, post in Tumblr)

May 27, Firing namin sa Bicutan ,Taguig.
HAHA, ito na last day ng ROTC namin :p
sa wakas ! Tapos na ang ROTC ko, next year wala na.

April 11, Orientaion sa Jollibee,
nakilala namin si Robi at Jc :D
and the next day, and so on... TRABAHO na ! :0
nakilala ko na din sila ate Gail at kuya Nestea *SMART team*
sa *Dining* si Rara, Ruben (kapatid), kuya Royce, kuya Jerome,
Kingu~ (haha..), kuya Neil (sungit), si Carelle, si Glenda (bhebhe).
pati si kuya Romar at kuya Von.
sa *Counter* si ate, Mira, ate Shane, ate Irene, ate Cha, ate April,
ate Regine, si Aljohn (aljie), si Rowena
mga *SPECs* si Grace at Nhice
mga nasa Likod (kitchen, washman, back up....)
si BB, si John Rey, si kuya Jun, si Vinx (yung washman na spes), si Kelvin (classmate ni Nicole nung HS), si kuya Ricky, kuya Jem, si Hon :))
si kuya Jo (HOT DOG !), si kuya Charles (Audition :)), kuya Junano (Jonathan),
kuya Gerald.
Ayan, may iba pa ako hindi nabanggit kasi hindi ko maalala
mga name nila haha.
pero kilala ko na sila lahat sa mukha :D
[ I love y' all. y' Lab Jollibee♥ ]

April 18, Birthday ni couz :p
ayun, nag'handa lang sila tapos dinalhan nlng kami food dito sa bahay =)

May 7. REUNION ng mga NIEBRES family.
hehe, masaya naman REUNION namin,
nakita ko yung mga pinsan ko na hindi ko pa nakikita (gets mo? haha..)

Nyan2x Blog Nyan2x Blog

May 10, nag'enroll na ako sa school kasama ko si mama :p
after that, I'm with Iban, and had a coffee break :))

May 22, CSOL Recital.
sa event center din ^_^

May 25. Happy Birthday Dieggy!! :D

May 27, SUMMER FAMILY FUN DAY
ng Jollibee Kids Club at SM Bac, activity center.
Yay ! Had so much fun :)
-----------------------------------------------------------------
Yan lang nman mga nangyari sa Summer Vacation ko.
rather. hindi VACATION. hahaha
dahil araw-araw ako pumapasok.. eer XD
Nyan2x BlogNyan2x Blog

Marami pa akong story behind those dates...

hmm .. so ayan lang yung mga nangyari sa buong vacation ko.
puro "WORK" ^_^
well.. if tatanungin ako kung kamusta na life po.
hmmm ............

*sa next post na =)) *

Monday, February 28, 2011

The Elucidation


after a few days .....
February 19, 2011
pagkauwi ko galing ROTC
nag'open ako ng computer. "immediately"
Then nasa likod ko lng si mama.
she asked me about "HIM"

mama: "ano na? nag'text na siya?"
abby: " .........."
and mama remain in silence...
---------------------------------
After HE stopped texting me..
my phone is sooooo tahimik.
as in.. no one's texting me,
well may nagt'txt nman paisa-isa, padalawa-dalawa.
like GLOBE, 4438 and 2474.
minsan GM lng ng classmate.
(Tsk! akala ko siya na...)
---------------------------------
Ok. so while I was reading comments, messages,
viewing friends req.,
posting on my friend's walls. etc.
I received 1 message.
hindi ko muna pinansin dhil inisip ko
Tsk! GM nnman yan. o kaya yung 2474
Then after all that I've done.
I checked my phone.and.BOOM!
"HIS" name appeared in my inbox
saying ... "I have something to say ... to confess..
kung malawak pag'iisip mo, maiintindhan mo ako. Txt back
if you're free, and if you're ready to hear my side.
I have read you post in your blog. It's awful.
I don't think niloko kita."
Then I felt...
"oh.my.GOD . . .
parang ... eeer... bigla nlng nagdilim ung paningin ko
nagulat ako. nabigla ung ko.
di ko ma'explain...
I was speechless... really.
then I turned. mama was there. gusto ko sbhin sa kanya
but I wasn't able to speak.
ang ginawa ko nlng.
I signed out my FACEBOOK account,
and turned off the computer
at umuwi na ako... sa kabilang bahay :p

Pagdating sa "kabilang" bahay, I locked myself in my room.
Take a deep breath ...... then nireplyan ko xa. sbi ko
"Go..."
Nyan2x Blog
Then here's "HIS" explanations.

He said, he wanted to say SORRY,
because of what he had done this past few weeks,
and pati monthsary nmin hindi niya ako naasikaso ...

(If you did read my previous post.. yun na yon!)
and about dun sa girl na nag'message skin na ang sabi eh
"ASAWA" niya daw. and that girl is his "EX" daw.
totoo na sa kanila daw natutulog.
and kaya daw natutulog dun ung girl na yun
is because nagkaproblem daw sila.
before they break up, preggy daw ung girl.
and feb 4 nalaglag daw.
then he said that he was responsible for what happened
kaya pina-raspa daw ung girl. aun..
mahal pa daw siya nung girl, hindi niya daw kayang
mawala si Mr. B.
Then he said to that girl
"dumito ka muna, but don't expect na ma2halin ulit kita"
sinbi niya daw sa girl na may iba na daw xang mahal.

-----------------------------
Hindi niya daw sinabi itong mga nangyaring ito sakin
dhil baka daw MAWALA ako sa kanaya. (What?! *LOL*)
-----------------------------

Then sbi niya. that girl all know na ako daw bago gf niya?
kya daw nag'message skn ng ganun.

----
If you guys can't recall anu ni-MESSAGE skn nung girl
here's a link. and READ it.again :D
Nyan2x Blog
----
Then aun nga, inalagaan niya daw yung girl.
khit na pa'recover plng daw siya nun sa sakit niya.
Then.. sbi niya
"NEVER kita niloko, I've done my part in our relationship"

(correction! masasabi kong.. You did not!
sana naman nag'iwan ka ng message dba..
ako na nga nag'ttxt sayo lagi..
min'message na kita sa FB mo, still no response...
grabe ka ... mahigit dalawang linggo kang hindi nagparamdam

wala akong balita sayo.
tapos habang wala ka. sumulpot nga yang EX mo.
kaya gulung-gulo ako at hindi ko na alam ang gagawin ko.
ano ba tingin mo sakin? MANHID??!!
na hindi naka2ramdam ng
pag'aalala?
akala mo. kpag naipaliwanag mo na lahat lahat sakin
akala mo OK na lahat??!!!
Grabe ka tlga.. oo. iniintindi kita sa lahat ng oras
pero sana wag nman abuso.

yan kasi ang
PROBLEMA sayo eh. sariling kapakanan mo lng
iniisip mo, paano naman ako? ....
khit ni minsan hindi mo inisip yung sa side ko.
lagi nalang sayo.SAYO.SAYOOO!!! *
o cge ikaw na :)) )

Nyan2x Blog

And now.. you still do calling me "baby"
sinasabi mong "I miss you.. so bad."
sinasabi mo "i love you"

whew. ano gus2 mo palabasin?
ramdam ko na sayo na hindi mo na ako mahal.
Dapat nga sa mga oras na to, kung tlgang ayaw mo ako mawala
bumabawi ka.
khit nga tawag mula sayo wala eh.
huling tawag mo na sakin yung noong Feb. 5, saturday, tanghali nun
and I'm on my way to Villamor (ROTC nmin)

hindi mo na kailangang mag'bitiw ng mga matatamis na salita.
sinasabi mo ba yan dhil alam mong hindi kita kayang iwan?
hindi kita kayang tiisin?
--------------------------------------
I had it with you...
hindi na tlga kita maintindihan.
conscience nlng.



This post was POSTED
February 28, 2011


C B
J C D B

Monday, February 14, 2011

What I feel right now .. my thoughts and everything .

Note: This Post contains related links.
Please Do visit and read it para ma'gets mo haha.
----------------------

I want to POST here in my blog
everything what's on my mind....
my ENDEAVORS and everything else.....

Boy ..
I know you're not the kind of person na... mag'visit ng kung anu-anong site na para sayo ay
walang kabuluhan. Like this ... hindi mo nman cguro ito
mababasa so...
I will post everything here.. what I feel.. lhat ng dinadala ko. kasi hindi ko na kayang kimkimin...
ang bigat-bigat na... at ang sakit sakit na ....

Nyan2x blog

The day I met you ...
kinuwento mo skn lhat ng "love story" nyu mga EX mo. your sacrifices....
You're so futuristic pa... kinukwento mo skn mga plano mo sa buhay
and I just .. "wow !"
isa sa mga nagus2han ko sau yan... yung may plano sa buhay.. at lalo na ngaun
nagw'work ka, ikaw ang nag'papa-aral sa sarili mo.
kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa.
kinuwento mo din skn ung background mo.
you're soo sweet.. kinakantahan mo ko .. first time ko ma'experience yung
kinantahan ako in person ng lalaki,. kinilig ako dun.. sbi mo pa sakin..
gus2 mo ko kasi i'm just simple.. you said na hate mo ng mga babae
na maraming landi sa katawan. hate mo ng mga babae na
malandi kung manamit .. and everything else .. whew ..
ako nman si "tanga".. I'm so amazed na ganon ka pla.
dun plng nagus2han na kita.
(well gnun nman tlga lagi eh... pakitang tao sa umpisa ...)

then the following days ...
sinagot ko xa nung January 10.. 1 week.. lagi kami mag'katxt..
everynight tinatawagan niya ako lagi, puyatan khit may pasok tomorrow..
hine'hele ko xa lagi para maka'tulog..
( Damn! nam'miss ko na un
It's been a week na hindi ko naririnig voice niya.. :c )
nung day na din yun sinabi niya..
"kpag hindi ako naka2pag'text i'm just busy.. hope you understand..
and wag kang mapa2ranoid.. though hindi man kita matext.
I'll assure na kpag magki2ta tau. dun ako babawi."
Sabi mo din..
"ok lng kung hindi ka mag'tiwala sakin.. but if sakaling ibibigay mo ung buong TRUST mo.
asahan mo.. hinding-hindi ko sisirain yun"
Sbi niya din ..
"ayaw ko na pinapakelaman yung phone ko..
at hindi din nman ako mahilig makealam ng phone ng iba
kaya kung sinu man mga ka'text mo, wala ako pakealam
bsta may tiwala ako sayo..and about sa Facebook.
hindi ko pinapa'alam kung kaninu kasi may mga important message dun
about my work.." bsta yun daw ..
And I just *nod* *nod*.
And ikaw pa laging nagsasabi ..
"baka lokohin mo lng ako baby ha...?"
of course sabi ko hindi ...
at tlga nmang HINDI :c

but after that 1 week nga ...
ndi na xa maxadong pala'text. kung tumawag siya
madalang na din ...
sa umpisa .. napa2ranoid ako...
"bakit hindi xa nagt'txt .."
hindi ako sanay eh ..
but my friends. cousin keep on telling me ...
"baka busy lang. chill ka lang kasi.
he's a busy man. intindihin mo na lang"
paulit-ulit... halos mainis na pinsan ko ..
"Ano ba??!! sabing CHILL ka lang eh
busy lang yan"
Ayun ... hanggang sa nasanay na ako..
kpag hindi ka nagt'txt .. hindi kita kinukulit.
tintxt nlng kita na ..
"txt mo ko if hindi ka na busy.."

Dumating din yung time na ..
nung nag'paalam ka na gigimik ka..
pumayag ako. dhil ayaw kong isipin mo na sinasakal kita.
inisip ko na lng din na ..
"malaki ka na. matured ka na mag'isip
and I know, you know what your limits are ..
at hindi ko na kailangang ipa'alala at isa-isahin sayo un"
and there! naka'gimik ka. and hindi ko alam kung
anu gnawa mo.. :)
bhala na kung lumandi ka oh ano ..
nap'paranoid na nga aq eh. hindi ako makatulog nun actually.
Then nung madaling araw .. tumawag ka ..
xempre tinanung ko xa kung anu mga nangyari..
then biglang sbi mo..
"may iba ka bang kausap?
bakit may call waiting?"
nag'tampo kpa skn nun.. without knowing what does that "call waiting"
means..
"call waiting" lumabas sa screen ng phone mo
means may tumatawag sayo sa ibang line ..
nagalit kpa skn nun. ehh kagigising ko lng nun
tpos pinagpipilitan mong may iba akong kausap.
whew ...
(I won't post here the whole details...)

"Dumating na yung birthday ko..
but .. ni'celebrate un nung 18. para walang pasok
at maka'punta ka ..
Yes ... pumunta ka at pinakilala kita kila mama,
papa, sa mga kuya ko at sa pinsan ko.
pati sa mga friends ko na sila jelly at jerlie."


Click the envelope
to read what happened on that day .

Nyan2x Blog

Ang saya ko. kasi legal tayo.
andyan support nila mama at papa
always giving advices ..
especially my cousin April
napaka'laki tlga ng ngagawa niya sakin.
He/she [*rofl*] is the best cousin I ever had.
Thankful aq kay God kasi may cousin ako na kagaya niya.

Nyan2x Blog

Ok. so... aun nga ...
Si Cz___ ...
hindi xa pala'OL sa FB
and malaking tanung pa. status mo is ♥it's Complicated.
whew .. ang gulo .. pero hindi ko na pinakelaman yun..
bsta may TRUST ako sayo...

Then dumating na yung monthsary ntin ...
FEBRUARY 10, 2011
Here's what happened on that day ..

cLick it
Nyan2x Blog
and READ it

Nyan2x Blog

OK.
so.. here's what my wanted to say..

Checkmate.
napaniwala mo ko. nalinlang mo ko sa mga salita mo.
The Game is Over :)

Sa mga oras na hindi ka nagt'text.
lagi ko nlng iniisip na busy ka..
iniintindi tlga kita ... sayo ko natutunan yung
"understand" and "patience"
pero still.. hindi ko akalain na naloko mo ko
sa mga sinabi mo. well yes... kasalanan ko kasi nagpaloko ako..
dun sa mga sinabi mo skn before and after the day na
naging tayo.. baka LOKOHIN lang kita?
na dapat ako ang nagsasabi niyan sayo.
yung mga Do's and Don't's na wag ako maparanoid.. blah blah ... ?!
sbi ng pinsan ko "baka pinangungunahan ka na niya.. para
magtiwala ka tlga sa knya?.."

well if that's true..
well planned :))

Sa mga oras na to ...
yung babaeng nag'message sakin.
sbi niya asawa nya daw xa...
OK.

Ipagpapa- sa Diyos ko nlng siya. ^_^

aaa~
That's it.

Nyan2x blog

Hinding-hindi ko makakalimutan tong mga moment na to ..
nung unang-unang tawag mo sakin
kinantahan mo ako through the phone
habang naggi'gitara ka
"Wherever you will go"
"When you say nothing at all"
"My valentine".
sbi mo Mcdo ako, kasi "love ko 'to"
nung first time tau nag'meet sa MOA.
ang ganda ng moon nun .
Three quarter moon (Gibbous moon) ...
aa bsta magf'full moon na xa ..
nasa sea side tayo nun, gabing-gabi na
habang nagtutugtugan ang mga banda dun.
kinakanta mo sakin ung
"Just the way you are"
habang nakatitig ka lang sakin.
yung picture natin sa Time Zone nung nag'Trino tau :))
Then ... kpag natutulog ka sa biyahe
di mo nararamdaman na hinahawakan ko lagi yung lips mo :))
then yung word na "wehh??!!" then yung .. "Tomoh~"
kpag bumibili tayo ng peanuts sa bus,
yung mga bawang sa kinakain ko, ikaw ang kumakain.
I give you an equivalent kiss every word ng "I Love You so much"
you always give me 3 candies,, sbi mo it means "i love you"
and yung .. "I'm YOURS and you're MINE" ...
"Franz Schubert's Ave Maria"
yan yung hine'hele ko sayu lagi kpag tumatawag ka gabi-gabi
para makatulog ka ..

aaaa
zetai wasurenai yo~ ^^
I'll treasure this moments ..
Thank You sa 1 month na pagsasama ntin
I have no regrets coz I've been true to you and to myself.
---------------------------------------------------------------

Thank You! sa mga babasa ng post ko.
Dun sa mga nab'buwiset.
wala pong pakelamanan ha?
This is my P.A.G.E
so anything na ip'post ko d2
is none of your business ok? :)

P O S T E D
February 15, 2011
12:17 pm


Nyan2x Blog


Valentines ???

POSTED
February 15, 2011
Tuesday
"9:50 am"
Nyan2x blog

F e b r u a r y 1 4 , 2 0 1 1


Valentines day na.. asan ka??! :(
until now, still no presence felt from you.
anu ba tlga problema mo?

Mama told me, valentines na valentines. wala ka..
may iba ka na daw pinagkakaabalahan ..
sbi ko "tama na.." ayaw ko na marinig
ang iba pang sasabihin nila ..
crap ! :(

I just keep this in thought na..
"may problema daw xa ngaun eh..
baka busy ..."
Aaarggghhh!! hindi ko na tlga maintindhan :(
why don't you say something?

Buong araw ng Feb 14.
ikaw nasa isip ko.
haaaaayss ....

tapos ang gara pa..
I checked your profile
this morning
(feb 15.)
you removed my post na..
"Get well soon baby..
IMY and ILY..."
and dun sa nag'post sa wall mo na babae na
"IMY ..."
you replied na "IMY too"
my GAWD !! .

umiiwas knba??
sbhin mo lng skn.. hindi yung ganyan ka
so what?
are you waiting for me
na ako ang maunang makipag'hiwalay sayo?
para hindi sayo ang sisi???

-------------------------------------------------------------
if you're going to ask me how and what I'm feeling right now..I couldn't explain anything..
I'm unstable .. ='(