Nyan Nyan~♥

Nyan2x Blog

558247qo8ybe3u5n.gif
"We can never go back and change what has been done
but we can earn the lesson learned to make things better next time.

A stupid past will always be remembered but can never be changed...
but a mistake can always be corrected and should never be repeated :)"

Friday, January 9, 2015

Year 2015?! Status of my career

Hello again!!!
ilang taon na ang nagdaan since the last time I posted here!
hahaha how nostalgic !
ngayon ko na lang ulit na-visit itong blog page ko :))

Anyway, kamusta naman na ako ngayon?
hmmm let me tell you what is my status right now.
(ooops!! not just the "status" of what's on your mind right now)
pero for this post, status muna about my work :)
Hmmmm I graduated already, batch 2014, and then after a few weeks
I started looking for a job, hmmmm honestly I still do not know what
I want to do, what job I want to take around that time
I submitted resumes kung saan-saan,
mapa-Hotel Industry, Food and Beverage or Restaurant Industy
and of course Airline industry
siguro masyado akong naging impulsive during that time
kasi all what is on my mind eh "magkaroon ng trabaho"
I do really have this attitude na,
ayaw ko yung nahuhuli ako,
siyempre pagka-graduate usually some of the graduate students
will look for a job agad-agad, and I was the same,
parang "ako din dapat!".

So ayun nga
I applied and then some company where I applied contacted me for an interview
syempre ako attend-attend ng mga interviews and then ayun,
hanggang sa naging tuwid na lang yung patutunguhan nung paghahanap ko
ng trabaho, then I was hired at the Airline industry,
I took the trainings, from classroom discussions, seminars,
observing ,then using their system
and now I am Cathay Pacific's  full-fledged ground agent.

Mahirap ang trabahong ito,
yes, diba nga wala namang trabahong madali,
lahat ng trabaho may iba't-ibang uri ng "hirap"
pero nasa tao kung paano niya ihahandle yun
I do really enjoyed this work,
kasi andoon parin yung customer-service na sa tingin ko e
"forte" ko :p
well hindi po ako expert when it comes to customer-service
kasi may mga pasahero parin na hindi satisfied sa service ko
and that's the truth, may mga tao kasi na iba-iba kung pano ang pagtanggap nila
ng service mo, may iba na naaapreciate iyon,
may iba na nagiging demanding na para sa kanila
e hindi enough ang service mo, at may iba din naman na
para sa kanila e sobra-sobra ang binibigay mong service
and yung makikita mong reaction nila is very priceless.
Ako din, alam ko sa sarili ko na may mga pasahero ako na
nata-timingan na sakto ang service ko, may iba na napapasobra ko
at may iba na kulang.
Airline Industry is a very dynamic field.
kailangan mong maging elastic and ... (teka hindi elastic na parang si luffy
sa One Piece o Lastikman na superhero ha?)..
"Elastic" and "easy-to-adapt" individual
kasi kung hindi, talo ka at talagang hindi mo kakayanin ang trabahong ito.

Though mahirap itong trabahong pinasok ko
na kung saan may iba akong ka-work na sumusuko na at nagreresign na
pinili ko parin na mag-stay, hmm opo, kailangan ko ng pera
para mag-ipon, para makatulong sa pamilya,
at para mag-ipon para sa future ko ? haha
at siyempre yung mga luho ko.
siyempre iba parin yung ikaw ang bibili ng kung ano gusto mo
gamit ang perang pinaghirapan mo.
Hmmm... I've been thinking about this, since I started working
paano kung umalis na ako sa Airline Industry., ano naman ang
gusto kong maging trabaho?
at hanggang ngayon hindi ko parin po alam ang sagot
ano nga ba ang gusto ko naman gawin pagkatapos
sa Airline Industry...
WALA TALAGA AKONG MAISIP!
(Wui! set aside mo muna yung planong pagpapamilya!)
There's still a long way to go.
Mag-iipun muna dapat, para sa bahay,
ipon sa mga expenses, etc..
(ok, ok .. set aside muna yan)

Ayun na nga, pero hindi pa po sumasagi sa isip ko ang
pagreresign sa trabaho ko, hehe..
isa pa sayang naman ang experience diba
and I am very thankful sa lahat ng mga katrabaho ko
siyempre nung bago ako, hindi maiiwasan na
may mga makakatrabaho ka talaga na hindi madaling makasalamuha,
may iba na sa unang tingin e masasabi mong hindi mo magiging
ka-close pero ngayon, daig pa ang saging na kambal sa close.
may iba din naman na nakilala mong mahiyain, tapos kapag nagtagal na e
walang hiya pala,
may iba na nakilala mo sa una na ganito-ganoon ang ugali, kapag nagtagal e
ganito-ganoon parin ang ugali.
Ang dami!
pero mas sobrang thankful ako sa mga katrabaho ko na ka-shift ko
para sakin, pangalawang pamilya ko 
sila.
Halu-halo yan sila, kasama na yung mga uri ng tao na nabanggit ko kanina,
may mga tao ako na ayaw ko pero mahal ko parin sila kasi
kasama sila sa part ng buhay ko
yung mga supervisor at senior na kasusungit sa trabaho
pero outside of work, tropa mo.
Isa sila sa nagiging strength ko at dahilan ko para magstay,

As of now, heto lang po muna ang ip-post ko,
ang haba ano?
(-.-) sorry na.
basta I am so HAPPY right now!
so thankful to God for everything!

Heto na si 2015! :)


No comments:

Post a Comment