Nyan Nyan~♥

Nyan2x Blog

558247qo8ybe3u5n.gif
"We can never go back and change what has been done
but we can earn the lesson learned to make things better next time.

A stupid past will always be remembered but can never be changed...
but a mistake can always be corrected and should never be repeated :)"

Saturday, August 14, 2010

I love my mama and papa ü


Malaya akong pinapili ni mama at papa
alam kong hindi biro ang course na pinili ko.
at alam ko, magastos ang pagb'BS Tourism.
Yet. Hindi umangal si mama at papa ..

Midterm na nmin.
ang daming gastusin!! -.-

-----------------------------------------------------------------
una. ngaun araw na to (August 14, 2010)
nagpunta kmi ng U.N Avenue, Manila at nanood ng Play
sa Pope Pius Auditorium.
Whew. ako na bumili ng ticket ko.
hindi ko na sinabi kay mama at papa
dhil ang dami namin bayarin.

Today. after manood ng play sa U.N..
dumerecho na kami ng Villamor A.B para sa ROTC.
Damn! kapagod ang araw na to
whew... na2nakit na mga binti,
sabayan pa ng tindi ng init ng araw.
whew...
Good thing, nka' fatigue na kami
para hindi masunog balat namin,
pero titiisin namin ung init hahaha.
grabeee pawis nga eh :p
Nyan~nyan blog Nyan~nyan blog

oh ! may i'share pala ako,
kanina bago pag'alis ko.
tinanung ako ni mama tungkol dun sa tour namin
bilin niya sakin...
"Ikaw mag'iingat ka, Ilocos un.
Nung bata ka alagang - alaga kita, ngaun malaki ka na
ikaw na mag-aalaga sa sarili mo.
lagi mag-pray kay God."

woot! naka2'touch ahahaha :3
------------------------------------------------------------------


Anyway.. ngaun tapos na ang Play
at aq na nag'bayad.
susunod na ung tour namin this coming
August 20 to 23, 2010
to Ilocos Sur and Norte.
ang mahal na bayarin.
naaawa na nga aq kay mama :(
pero ala ako magawa, requirements namin ung mga tour
isa pa, kung hindi nman aq sasama.
hindi ko mae'enjoy ung Tourism course ko right?
kung mag'switch nman aq ng course.
sayang ung mga nasimulan nang bayaran,
tuloy-tuloy na tlga to, wala nang atrasan.
Mag-aaral aq mabuti para hindi masayang effort ni mama at papa.
mahal mahal ng pinantutustos nila sakin

Then after ng Tour namin,
MIDTERM na sa August 27, .. -.-
Grabee, bayaran ulit...
(installment lng kasi aq, ahahaha)
whew... grabeee.. daming binabayaran ngaun :(

Minsan nga, naiisip ko na tumigil sa pag-aaral..
pero sayang ang panahon kung ipag-papaliban ko pa..
kailangan habang maaga pa, matapos ko na para
maaga din makatulong kila mama at papa.
May kuya nga aq, pero wala nman trabaho.
nagka'trabaho din nman, pero hindi nman tumutulong kila mama
lagi nlng pansariling pangangailangan niya ang inuuna..
ngaun na matanda na siya na dpat eh xa ang tumutustos sakin
para nman gumaan ung bayarin sakin ni mama at papa.
Si papa nlng may trabaho.
si mama nman nagbabantay ng business namin....

Gusto ko sana mag'part time job.
ayaw nman ni papa..
sbi niya, "hangga't kaya pa niya,. ayaw niyang magtrabaho ako"
isa pa, nag pagpa-part time job eh nakakasira din sa pag-aaral.
may chance kasi na, pumasok sa isip ng mga kagaya ko na
"bakit pa mag-aaral, eh kumikita na ng pera"
right?
kaya, ayaw ni papa.

hindi ko na kaya makita na nahihirapan si mama at papa.
gusto ko na makatulong sa kanila ... haayss..
pero tatlong taon pa ....
tatlong taon pa ang hihintayin ko ....
Nyan~nyan blog

No comments:

Post a Comment